|
Post by Louie Policarpio on Jan 25, 2010 0:07:24 GMT -8
Sa mga kababayan nating La Pazeno, sana po ay maging wise tayo sa pagboto sa panahon ngayon wag sana tayo magpadala sa suhol, tustos ng iba, sundin po natin ang ating kalooban, ngayon po ay napapanahon upang umasenso ang bayan ng La Paz, ang La Paz ay nahuhuli na sa mga bayan ng Gerona, Paniqui, Capaz, Moncada, Concepcion, Camiling at maging ng Anao sa pagunlad, Kaya po suriin natin ang kakayanan at kalooban ng ating mga kandidato.
|
|
|
Post by rdomingo618 on Jan 26, 2010 10:24:14 GMT -8
Tama ka kaibigang Louie dapat na ang pagbabago sa pagpili ng mamumuno sa ating bayan wag padadala sa suhol kunin ang pera pero hwag iboto ang nagbigay. Walang asenso ang ating bayan ang dating namuno ay kandidato na naman pero wala namang nagawa ang isa ay anak ng dating mayor na wala ring nagawa kaya mag-isip tayo kung sino ang karapatdapat. Kung may kakayahan ang dapat lang lalong lalo na dapat ay may edukasyon ang mamuno at may experience. a
|
|
|
Post by Louie Policarpio on Jan 27, 2010 19:30:29 GMT -8
Sana nga po ay may kaalaman sa ekonomiya ang susunod na mailuklok na mamumuno sa taong ito. nakikita ko na napapanahon ang pagasenso ng LaPaz, unang una ay malaking bagay ang pagbubukas ng SCTEX, karamihan ng private vehicle going to Manila mula sa mga bayan ng Nueva Ecija at mga Probinsya ng Cagayan Valley at maging ilang bayan ng Pangasinan ay sa LaPaz na dumadaan, at nagiging travel stop over na ang Lapaz dahil sa ito ang kahuhulihang bayan bago pumasok ng Expressway(SCTEX at NLEX)sa katunayan ay 2 malalaking bus company ay nasa Caramutan na ang terminal, Five star at ES at ang Baliwag ay magpapatayo na rin sa bukana ng Laungcupang. nangagahulugan na ang LaPaz ay pwedeng maging centro ng Komersyo tulad ng Dau at Carmen Rosales. ang mga kilalang malaking fastfood chain sa Pilipinas at iba pang Business aypwede nilang makita na ang Lapaz ay may potential at feasible na tayuan ng kanilang mga negosyo sa ganitong paraan ay makakapggenerate ng trabaho sa kababayan natin. isa ko pang napuna sa mga terminal ng bus lahat ng mga pasalubong products (sweet delicasies chicharon etc) ay gawang Bulacan pano na kaya kung gawang Lapaz ang mga produktong ito. kaya nasa namumuno na kung kaya nilang manghikayat ng mga negosyante na mamumuhunan upang paunlarin an ating bayan ng LaPaz.
|
|
Arman
Junior Member
Posts: 83
|
Post by Arman on Feb 21, 2010 23:23:07 GMT -8
Mr. Louie, paki-update naman kaming ofw kung sino na ang nangunguna sa survey, dyan po sa LaPaz? Ilan kayang percentage na may pagasa na manalo ang manok ko? O tanggapin ko na kaya na panalo na ang kandidato na may pinamaraming pambili ng boto, wika nga? Pls. feed us...w/ news updates.
|
|
|
Post by Louie Policarpio on Feb 22, 2010 23:31:05 GMT -8
I found a web blogged regarding LaPaz, matagal na kong lurker sa blogged everyday binibisita ko yung blogged. napansin ko lang nagiging Mananquil site na yung blogged binubura ng creator ng blogged yung magagandang puna sa ibang kandidato, at pati na rin ung mga hindi magagandang puna para kay mananquil. Sayang lang yung main intention nung site. pero anyway it can help. at thank na rin sa gumawa ng blogged. here's the link lapaztarlac.blogspot.com/2009/12/brief-history-of-la-paz-tarlac.html
|
|
Arman
Junior Member
Posts: 83
|
Post by Arman on Feb 24, 2010 11:09:16 GMT -8
Thanks sa info. Tuloy nasurfed ko na rin yong isa pang site. Yong www.lapazenians.blogspot.com .Tingin ko okey ang site. Tanggap ng creator ang mga opposing views/comments. Medyo mainit lang ang mailang patutsada. But then, ganyan na ang takbo ng politics sa atin. I just hope na.. kung sino man ang mahalal, maging legacy nawa nya ang pamumuno at paglilingkod ng tapat sa nasasakupan.
|
|
|
Post by Louie Policarpio on Feb 25, 2010 5:06:06 GMT -8
Nawala na ung isang blogsite na una kong pinost ang link ah bakit kaya? tapos ung link na pinost mo mukhang bago lang Feb 15 lang nagstart ang blogs.
|
|
Arman
Junior Member
Posts: 83
|
Post by Arman on Mar 23, 2010 0:18:51 GMT -8
Doon sa nauna kong post, nabanggit ko ang lapazenians blogspot. Natigil na rin yata ang pagpo-post ng comments sa naturang blog site. Salamat, kasi nagagawi lang ang chat sa tungayawan. Pero kung may censorship, okey lang na ituloy.
|
|
Arman
Junior Member
Posts: 83
|
Post by Arman on Mar 24, 2010 22:30:49 GMT -8
Patuloy po tayo sa pagsubaybay sa election 2010, lalo na sa bayan ng LaPaz. Muli, mamamayagpag na naman sa pangangampanya ang mga kandidato. Muli, mamimili...este, manghihingi na naman sila ng mahalaga nating boto. Anila, sila ang karapatdapat na ihalal dahil ang ipinaglalaban nila ay ang kapakanan ng taumbayan. Sila ang maka-tao at maka-diyos. Well...it's really your choice. Sino ba talaga para sa yo ang karapatdapat? No doubt na sa panahon ng pangangampanya, malalaman mo kung sino talaga ang may tunay na malasakit sa kapakanan ng nasasakupan. Election day comes, just excercise your suffrage, pumunta sa presinto, at bumoto ng maaga. (Sure kaya na nasa voter's list ka? Sure. Pati nga sa kabilang presinto, nandon ang pangalan ko. Ha! ha! ha! ha!).
|
|
|
Post by sanroque on Mar 25, 2010 10:07:09 GMT -8
Maraming salamat sa gumawa ng site na ito...sana maging patas lang ito at di pagsimulan ng away,ang Lapaz blogsite ay nawala at nahalata mo rin pala Admin na ito ay naging biased ke Mananquil at na delete ang lahat ng di magandang komento sa kanya at deleted ang magandang komento sa ibang kandidato at tuluyan ng nawala ang blogsite sa kung saan nakapagpapahayag ng opinion at pananaw ang ating kababayan...
|
|