|
Post by sanroque on Mar 25, 2010 12:12:12 GMT -8
Dagdagan ko lang ng kaunti un post ko kanina..In fairness po sa nakaraang namuno sa tingin ko po magkaibang magkaiba ang nakaraan na namuno at ang kasalukuyang namumuno ngayon,ng datnan po ng dating Mayor ang munisipyo ang Lapaz po ay 5th class Municipality at ng ipasa po nila ito sa kasalukuyang nanunungkulan ang Lapaz po ay nasa 3rd class Municipality na kung saan ng mga panahong iyon ay ka sing antas natin ang Capas na ngayon ay 1st class Municipality na.Ngayon po hangga ngayon ang Lapaz po ay 3rd class pa rin ibig sabihin po ito ay walang ipinagbago.Napag alaman ko din po sa aking pagsasaliksik ng iwan ng dating Mayor ang Munisipyo sila po ay nakapag iwan ng pondo sa Munisipyo at walang utang ang bayan ng Lapaz bagamat ang dating Mayor ay nakapag pagawa ng mga proyektong infrastructure sa ating bayan.Ang ibig ko pong sabihin may naumpisahan po ang dating Mayor kung ito po ay ipinagpatuloy lamang ng nanunungkulan ngayon hindi sana tayo napagiwanan. Tama po ang ating Admin Louie sa pagbubukas ng SCTEX ang ating bayan ay mabibigyan ng pagkakataon na umunlad at kahit na di tayo manghikayat ng negosyante sila na mismo ang lalapit dahil may magandang potensyal na ang ating bayan..ipanalangin na lang natin na ang susunod na mananalo sa halalan ay may matapat at malasakit sa kinabukasan ng ating bayan at kayang ibukas ang bayan Lapaz sa ibang negosyante. Umpisa na po officially ang kampanyahan para sa lokal,pakinggan po natin ang adhikain ng ating mga kandidato mula president hanggang konsehal at namnamin po natin kung sino sa kanila ang may kakayahang maging tapat sa paglilingkod para po sa akin simple lang ang katangian ang dapat na maiupo sa ating bayan isang matapat,di mapang abuso na mamumuno,dahil kung tapat po ang ating Mayor sya po ang makakatulong natin sa pag unlad ng bayan.Salamat po.
|
|
|
Post by Louie Policarpio on Mar 25, 2010 17:24:34 GMT -8
Dagdagan ko lang ng kaunti un post ko kanina..In fairness po sa nakaraang namuno sa tingin ko po magkaibang magkaiba ang nakaraan na namuno at ang kasalukuyang namumuno ngayon,ng datnan po ng dating Mayor ang munisipyo ang Lapaz po ay 5th class Municipality at ng ipasa po nila ito sa kasalukuyang nanunungkulan ang Lapaz po ay nasa 3rd class Municipality na kung saan ng mga panahong iyon ay ka sing antas natin ang Capas na ngayon ay 1st class Municipality na.Ngayon po hangga ngayon ang Lapaz po ay 3rd class pa rin ibig sabihin po ito ay walang ipinagbago.Napag alaman ko din po sa aking pagsasaliksik ng iwan ng dating Mayor ang Munisipyo sila po ay nakapag iwan ng pondo sa Munisipyo at walang utang ang bayan ng Lapaz bagamat ang dating Mayor ay nakapag pagawa ng mga proyektong infrastructure sa ating bayan.Ang ibig ko pong sabihin may naumpisahan po ang dating Mayor kung ito po ay ipinagpatuloy lamang ng nanunungkulan ngayon hindi sana tayo napagiwanan. Tama po ang ating Admin Louie sa pagbubukas ng SCTEX ang ating bayan ay mabibigyan ng pagkakataon na umunlad at kahit na di tayo manghikayat ng negosyante sila na mismo ang lalapit dahil may magandang potensyal na ang ating bayan..ipanalangin na lang natin na ang susunod na mananalo sa halalan ay may matapat at malasakit sa kinabukasan ng ating bayan at kayang ibukas ang bayan Lapaz sa ibang negosyante. Umpisa na po officially ang kampanyahan para sa lokal,pakinggan po natin ang adhikain ng ating mga kandidato mula president hanggang konsehal at namnamin po natin kung sino sa kanila ang may kakayahang maging tapat sa paglilingkod para po sa akin simple lang ang katangian ang dapat na maiupo sa ating bayan isang matapat,di mapang abuso na mamumuno,dahil kung tapat po ang ating Mayor sya po ang makakatulong natin sa pag unlad ng bayan.Salamat po. That's true Kabayan hanggang sa ngayon 3rd class pa rin ang La Paz, Kaya kung sino man ang susunod na uupong mayor sa ating bayan ang forum site na ito ay magiging saksi sa kanyang panunungkulan. kung hindi man nya maiangat ang La paz kahit na sa 2nd class man lang ay malaking kahihiyan sa kanyang kakayanan habang buhay. sapagkat ang pagkakataon sa ngayon upang maiaangat ang La Paz ay nandyan na. ito ay malaking hamon sa susunod na uupong mayor sa ating bayan. kung sino man siya sana ay matunghayan nya ang forum site na ito.
|
|
Arman
Junior Member
Posts: 83
|
Post by Arman on Apr 28, 2010 20:51:52 GMT -8
Nalalapit na ang Halalan 2010. Ilang tulog na lang. At marahil, at this point in time, may napupusuan na ang bawat isa sa atin sa kung sino ang ihahalal na kandidato para susunod na mamuno sa bayan ng LaPaz. Ngunit muli, bigyang pansin ang mga mensaheng naisulat ng mga kasamahan dito sa site. Naniniwala ako na tayo ay kaisa nila sa hangaring magkaroon na sana ng leader na tunay na may malasakit sa kapakanan ng bayan at sa mamamayang kanyang nasasakupan. Isang punong-bayan na may sapat na talino at kakayahan para maisulong ang tunay na kaunlaran. Di ganid, di makasarili..kundi bagkus, maka-tao at maka-Diyos. Mabuhay po ang Bayan ng LaPaz! (Msgbreak: Just recv'd an e-mail fr. Senen Akalin c/o GEI Yahoo Group regarding vote buying. For more info, click on the group site.)
|
|
|
Post by Louie Policarpio on May 4, 2010 16:56:57 GMT -8
Under construction na ang TPLEx ito yung katuloy ng SCTEX going to Pangasinan and La Union starting at Rosales Pangasinan, once na matapos ito ma ba bypass nanaman ang LaPaz ng mga biyahero, in 3 years time matatapos na ito ibig sabihin 3 years lang pag hindi nagprogreso ang LaPaz forever ng 3rd Class ito, kaya ang mangyayari bye bye bypass Lapaz. Nasa susunod na local government ang pag asa ng Lapaz. pag itoy hindi nangyari wala na mahihirapan na sa pagasenso ang ating mahal na bayan ng LaPaz.
|
|
Arman
Junior Member
Posts: 83
|
Post by Arman on May 7, 2010 11:33:49 GMT -8
Still, may isa pang expressway na gagawin. Yong Tarlac-Nueva Ecija-Aurora Expressway. Mismo isa sa mga bayan na dadaanan nito ay ang LaPaz. Dapat din na isama sa agenda ng bagong manunungkulan ang pagbuo ng plano sa kung paano ito makakapaghatid ng kaunlaran sa bayan. Kailangan talaga dito ang pamunuang may talino...initiative! Ang Tarlac- Sta.Rosa Road, ay isang national highway na malaot-madali ay mai-elevate din as major expressway. Nararapat na pag-ukulan ng pag-aaral na mga namumuno natin kung pano ba ito makakatulong para sa kaunlaran ng bayan. But this is only in terms of economy. Kailangan din na maging kaagapay nito ang kaunlaran sa peace and order situation ng bayan. Maraming criminal cases na ang nangyari na tila nabaon na lang sa limot. Sa situasyon na ito,kailangan din ang leader ng bayan na may conviction na pangalagaan ang kalagayang makapamuhay ng tahimik at walang agam-agam ang mamamayang nasasakupan. At kaagapay nga ng pag-unlad sa ekonomya, matatamo ng LaPaz ang tunay na kaunlaran at katahimikan na malaon na nating hinahangad.
|
|
Arman
Junior Member
Posts: 83
|
Post by Arman on May 14, 2010 14:48:35 GMT -8
Halalan 2010....natapos na. Dulot nito ay tagumpay at pag-asa sa sumuporta sa mga kandidatong nanalo. Nguni't sa iba, tila nagdulot din ito ng lungkot at kawalang pag-asa naman dahil sa pagkatalo ng napiling iboto. Magkagayon paman, tanggap ng balana ang mayoryang hatol ng mamamayan. Patunay lang ito na ang pormang demokratiko ng kapamahalaan ay buhay, bagamat sa pakiwari, ito ay tila ba nawawala ng dahil sa mga nararanasang kamalian ng sistema. Ang demokrasya ay may sangkap na wasto at di wasto, sapagkat ang bumubuo nito ay ang mga mamamayan na may laya na makapamili kesehoda na tama o mali. At sa demokrasya, bawat isa ay may kalayaang magpasya ng ayon sa dikta na sariling konsiyensya. Iginawad ito bilang karapatan. Ang kainaman, tanggap ng mamamayan ang kahatulan ng bayan, bagama't sa iba, ang dulot nga ay pagkabigo at sakit ng kalooban. From here on., hamon lang natin sa mga bagong halal...Move on! Isulong ang LaPaz...tungo sa kapayapaan at kaunlaran! We're counting on you!
|
|