Arman
Junior Member
Posts: 83
|
Post by Arman on Mar 19, 2010 12:02:41 GMT -8
Boxing (women's) - Nalalapit na ang laban ni Ana 'the HURRICANE'Julaton, isang Fil-Am, kay American Liza Brown. Gaganapin ang laban asa US, March 27..,28 sa Pilipinas. Winner will become the WBA women's super bantamweight champion of the world. NBA - Ang headcoach ng team MIAMI HEAT ay isa ring Fil-Am. Si Eric Spoelstra. CHESS - Kung si Manny Pacquiao ang pambansang kamao, si WESLEY B. SO naman daw ang pambansang utak. Ang 16 anyos na pinoy grandmaster ay pang 64 na sa hanay mga nangungunang chess grandmaster sa buong mundo. Sya ay may Elo rating na 2665. Just 35 pts. shy from Elo 2700, the minimum rating ng isang super grandmaster. For comparison, si 1st Filipino chess grandmaster Eugene Torre, ay may Elo rating na 2506.
|
|
Arman
Junior Member
Posts: 83
|
Post by Arman on Apr 12, 2010 11:41:42 GMT -8
BOXING: Congrats to Mark Melligen of the Philippines. Tinalo nya si Norberto Gonzales ng Mexico via unanimous decision sa isang maaksyong laban, welterweight division, na ginanap sa Las Vegas noong April 10. Sa Mayo 1, gaganapin naman ang WBA Welterweight championship fight sa pagitan nina challenger Floyd Mayweather Jr. vs champion Sugar Shane Mosley na gaganapin din sa Las Vegas, USA. May posibilidad na makalaban ni Pambansang Kamao Pound for Pound King Manny Pacquiao ang kung sino man ang manalo sa dalawa sa naturang laban bago matapos ang taon. Itinuturing na ang labang Pacquiao-Mayweather, kung matutuloy, ang syang magiging pinakamalaking laban sa kasaysayan ng boxing. Tinatayang kikita ang bawat isa ng humigit-kumulang sa $40,000,000.00 kung ito ay matutuloy. Ang halagang dollar na ito ay katumbas ng more or less P1,600,000,000.00 sa Philippine money. Just in 12 rounds or in 36 mins. Yan ay kung walang knock-out.
|
|
Arman
Junior Member
Posts: 83
|
Post by Arman on Jun 6, 2010 21:51:00 GMT -8
NBA Championship 2010 L.A.LAKERS vs. BOSTON CELTICS : game1-lakers, game2-celtics, game3-lakers, game4-celtics, game5-celtics, game6-lakers, game7final-LAKERS LOS ANGELES LAKERS, the 2010 NBA Champion.
|
|
Arman
Junior Member
Posts: 83
|
Post by Arman on Jul 9, 2010 16:18:14 GMT -8
Latest on BOXING. This Saturday in Puerto Rico, Sunday in Manila 10july, three pinoy boxers will slug it out against their puerto ricans/benin opponents. Bernabe Concepcion vs. Juan Manuel Lopez. On the undercard, Nonito Donaire and Eden Sonsona. Get the news. Go to www.mannypacquiao.ph
|
|
Arman
Junior Member
Posts: 83
|
Post by Arman on Jul 20, 2010 11:02:37 GMT -8
43rd Biel International Chess Festival in Biel, Switzerland. Doon po ngayon nakikipagtunggali ang ating grandmaster Wesley B. So. Subaybayan ang pakikipagtagisan nya ng talino laban sa mga pinakamahuhusay na young grandmasters sa mundo. Malapit na nyang makamit ang pagiging super grandmaster. Aim nya na maabot nya ang Elo Rating na 2700. 2674 na po sya ngayon. Number 64 na po sya ngayon sa buong mundo sa larangan ng chess. Go Wesley!
|
|
Arman
Junior Member
Posts: 83
|
Post by Arman on Jul 30, 2010 10:10:55 GMT -8
BILLIARD: Francisco 'Django' Bustamante has been elected for induction into the prestigious Billiard Congress of America "Hall of Fame". He will be inducted on Oct.21. Presently, he is the 9-ball billiards champion of the world.
|
|
Arman
Junior Member
Posts: 83
|
Post by Arman on Aug 17, 2010 11:52:12 GMT -8
At muli sa larangan ng larong Chess, nagsama-sama ang apat na mga young chess prodigies na kinabibilangan ni Grandmaster Wesley So at isinagupa sila sa apat ding matitinik na mga elderly grandmasters. Ang tourmament ay tinawag na The Rising Stars vs. Experience. Isa si GM So sa mga rising stars. Ginaganap ang laro sa Amsterdam, Neatherland.
|
|
Arman
Junior Member
Posts: 83
|
Post by Arman on Oct 31, 2010 14:57:37 GMT -8
Once again, napapasabak na naman ang ating pambansang utak, Grandmaster Wesley So, sa ginaganap na SPICE CUP 2010 chess championship sa Texas University sa Lubbock, Texas, U.S.A. Susan Polgar Institute for Chess Excellence invited our very own No.1 Philippine grandmaster for the second time to participate in the yearly staging of the prestigious SPICE CUP. Nahahanay si Grandmaster Wesley sa group A, category 16 ng nasabing torneo. And as of this writing, nangunguna siya sa laban, matapos na magkasunod na pataubin ang 2 grandmasters ng U.S. Subaybayan. Just visit the website www.gmwesleyso.com
|
|