|
Post by Louie Policarpio on Mar 16, 2010 17:37:38 GMT -8
Nasaksihan ko ang Panagbenga Festival last February 27-28 sa Baguio City sobra talagang kahanga hanga. alam natin na ang Baguio ay talagang dinarayo dahil sa ito ay tourist spot ngunit mas lalong pang dinarayo pag Panagbenga Festival. Ang isang lugar ay lalo pang dinarayo At higit na nakikilala dahil sa mga Festival tulad na lang ng; Maskara Festival ng Bacolod, Dinagyang Festival nga Iloilo, Pahiyas ng Lucban, Bangus Festival ng Dagupan, Pamulinawen ng Laoag at marami pang iba www.skyscrapercity.com/showthread.php?t=662900&page=37, Kahit nga dito sa Tarlac ay Mayroon narin, ang Malatarlac Festival ng Tarlac City at ang Ilang Ilang Festival ng Anao. Karamihan sa mga Festival na iyan ay kamakailan lamang nasimulan. Sa Palagay nyo ba pwede rin tayong magkaroon ng ganung Festival para makilala naman ang ating bayang La Paz. Kung may naisip kayo pakitalakay na lang po dito sa Thread na ito.
|
|
Arman
Junior Member
Posts: 83
|
Post by Arman on Mar 21, 2010 4:12:07 GMT -8
Isang napapanahong talakayan po ang inilatag ni Admin. Aniya, 'Ano kaya ang magandang Festival para sa LaPaz?' Well...ano nga po kaya? Talakayin natin. Una, pansinin na ang lahat ng festival celebration ay unique o natatangi sa lugar na pinagdarausan, maging ito man ay bagay, actibidades, events, o happenings. Doon sa lugar na yon naunang nag-ugat at umusbong, wika nga! Tulad na nga sa Anao. Ang bayan ng Tarlac na pamoso sa pag-aalaga ng punong ilang-ilang, na dinarayo ngayon ng dahil sa itinatag nilang Ilang-ilang Festival. Sa bayan ng LaPaz, ano ang puedeng pagfiestahan at dayuhin? Mayroon ba tayong maio-offer na pagselebrahan na naiiba sa iba? Well...may mga suhestyon. Sa relevant thread po tunghayan! Kayo?
|
|